Simula THIS WEEK - Maibibigay ang SAP 2nd Tranche Ayun sa Pahayag ng DSWD

Simula THIS WEEK - Maibibigay ang SAP 2nd Tranche Ayun sa Pahayag ng DSWD


Ayun sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, inaasahan nilang maipamahagi ang pangalawang bugso o 2nd tranche ng pamimigay ng cash bilang tulong sa mga nangangailangan at mahihirap na pamilya sa linggong ito kahit patuloy pa rin ang validation ng unang batch ng mga nakatanggap na ng ayuda. 





"Ninanais natin na simulan ang pamamahagi ng ayuda sa linggong ito ngunit gusto nating bigyang diin na napakahalaga ang ating ginagawang validation process," pahayag pa ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa DSWD Press Briefing nitong June 2, 2020

Maalalang sinusuri ng DSWD ang listahan ng mga nakatanggap noong unang tranche at ang mga nakatanggap ng iba pang ayuda mula sa iba't ibang ahensya para maseguradong hindi na sila makakakuha pang muli sa pangalawang tranche para maiwasan ang pagtanggap ng doble doble mula sa gobyerno. Ayun pa kay Secretary Bautista, halos 70 percent ng liquidation ay natapos na ng mahigit 807 na mga local govrnment units samantalang may 357 pa na LGU reports ang hinihintay.    



Inanunsyo rin ng Kalihim na natapos na ang guidelines para sa pamamahagi ng pangalawang tranche, at ang mga lugar na ito ay makakatanggap na ng ayuda. 
Central Luzon (except Aurora province), 
Metro Manila 
Calabarzon 
Benguet 
Pangasinan 
Iloilo 
Cebu 
Bacolod 
Davao 
Albay 
Zamboanga City

Ang mga Nabanggit na lugar ay maaari na pong mag Register sa RELIEFAGAD app.
NCR, Region 3 (except Aurora Province), Region IV-A, Benguet Province, Pangasinan, Iloilo Province, Cebu Province, Bacolod City, Davao City, Albay Province, and Zamboanga City and as well as the left out families nationwide.



Ayun pa sa DSWD, nasa 13.5milyon na pamilya ang makakabenepisyo ng pangalaang tranche ng ayuda kasama ang 5milyon pamilya na nasa aitlisted o karagdagang mabibigyan ng ayuda sana noong first tranche.  

"Ang master list ng waitlisted na naglalaman ng social amelioration card identification number ay kailangan mapirmahan at masertipikahan ng city, municipal, provincial, social welfare and development officer at lokal na pinunong ehekutibo o alkalde ng bayan," pahayag pa ni Secretary Bautista.


Learn How To Get Solo Parent ID : Click here
Libre na Mag aral ! FREE TESDA ONLINE COURSE: CLICK HERE

P 2,000 na allowance para sa mga House Wife, Isinusulong na batas! Paano nga ba ito. CLICK HERE