P 2,000 na allowance para sa mga House Wife, Isinusulong na batas! Paano nga ba ito. Alamin!

P 2,000 na allowance para sa mga House Wife, Isinusulong na batas! Paano nga ba ito. Alamin!



Isinulong ni Albay Representative Joey Salceda sa kamara noong nakaraang taon sa House Bill 8875 ang panukalang magbibigay ng buwanang sahod sa mga housewife ng bansa.



Sa ilalim ng panukala, mabibigyan ng P2,000 na sweldo ang mga inang mayroong isang anak na edad 12 taon pababa at maituturing na kasama sa poverty line.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nakatalagang tukuyin kung sino ang karapatdapat na mabigyan ng tulong. Sila rin ang bubusisi kada tatlong taon sa panukala kasama ang kongreso.


Ayon kay Salceda, nasa P35 bilyon ang gagastusin ng pamahalaan para sa social protection assistance program, kung saan P32 bilyon dito ay para sa mga babaeng ikinasal na, at P3 bilyon naman para sa mga single mother o nabyuda na.
Hindi pa naisasabatas ang panukala at kasalukuyang nakabinbin sa  House Committee on Women and Gender Equality.

Learn How To Get Solo Parent ID : Click here
Libre na Mag aral ! FREE TESDA ONLINE COURSE: CLICK HERE


FILL UP NOW!